Guro, arestado matapos umanong manghalay ng binatilyo

589

GEORGIA, USA – Inaresto ang isang guro mula Hephzibah Middle School matapos itong akusahan ng panghahalay sa isang 13-anyos na lalaki.

Humaharap sa deportasyon o pagpapatapon si Rumah Byrapaka, 24, hindi isang US citizen matapos umano itong manghalik at magpadala ng mga hubad na larawan sa naturang menor de edad.

Ayon sa ulat, maging mga malalaswang mensahe ay nakakatanggap ang biktima mula sa suspek.

Noong Martes ay dumalo sa korte si Byrapaka at nabigyan ng pagkakataong makapagpiyansa.

Kapag nakaalis siya sa kanilang kustodiya ay mananatili muna siya sa detention center para pigilin ang kanyang pag-alis ng bansa para harapin ang patung-patong na reklamo.

Sabi ng mga tagausig ng Richmond County Attorney’s Office, naiulat na mahal daw ng biktima ang suspek at umaalis ng bahay para lang makipagkita dito.

Samantala, base sa report, isang physical science at social studies teacher si Byrapaka.




Habang patuloy naman ang imbestigasyon ay mananatili sa kustodiya ng Richmond County ang suspek sa halip na magbayad ng $27,700 pyansa.

Facebook Comments