Guro, arestado sa pakikipagtalik sa 15-anyos estudyante

4374

TEXAS, United States — Inireklamo ang isang high school teacher ng pakikipagtalik sa 15-anyos na estudyanteng lalaki, ilang buwan pa lang mula nang magsimulang magturo.


Dinakip ang 25-anyos na si Hailey Pardy nitong Huwebes makaraang ihabla ng grand jury sa umano’y “improper relationship” sa estudyante, ayon sa ulat ng Austin American-Statesman.

Batay sa pulisya, 23-anyos si Pardy nang makipag-sex sa binatilyo noong Disyembre 2018.

Siyam na buwan makalipas, noong Agosto 2019 nang makatanggap ng sumbong ang paaralan mula sa hindi nagpakilalang tao tungkol sa naturang relasyon.

Inilagay si Pardy sa paid administrative leave sa parehong araw na nakarating ang sumbong sa kinauukulan, at tuluyan ding tinanggal sa trabaho noong Nobyembre.

Nakalaya naman agad ang guro sa kulungan matapos magpiyansa ng $100,000 (P4.9 milyon), ayon sa ulat.

Kung mapatunayang may sala, mahaharap si Pardy sa hanggang 20 taong pagkakabilanggo.




Facebook Comments