Guro at mga kasabwat nito, arestado dahil sa paggamit ng shabu

Quezon, City – Arestado ang isang public school teacher at 2 kasabwat nito matapos maaktuhan na gumagamit ng iligal na droga sa Batasan Hills QC.

Kinilala ang suspek na si Leo De Luna 34 na taong gulang na nagtuturo sa Batasan National High School.

Bukod sa kanya, dinampot din ang kasama nito na sina Jericho Caparaz 23-taong gulang na isang bank teller at isang Franco 20 yrs. Old.


Ayon kay QCPD District Director P/Chief Supt. Guillermo Eleazar, nakatanggap ng tawag ang station 6 mula sa isang concern citizen na may ongoing pot session sa Brgy. Batasan Hills.

Nang puntahan ng mga pulis kasama ng mga Brgy. Tanod, naaktuhan pa ang mga suspek na humihithit ng iligal na droga.

7 pakete ng hinihinalang shabu ang nakumpiska at mga drug paraphernalia.

Nakakulong na ang mga suspek sa QCPD station 6 at nahaharap sa kasong pag labag sa Republic Act 9165 o comprehensive dangerous drug act of 2002.

Facebook Comments