Guro mula Cotabato city, most INSPIRING AND INFLUENTIAL TEACHER ngayong 2018!

Isa si Teacher Rommel C. Villa sa mga ginawaran ng Saceda Youth Lead and National Youth Commission ng most inspiring and influential teachers of 2018 para sa kanyang mga kontribusyon at mga makabagong istratehiya at materyales para sa kampanya sa student government election sa Cotabato City Central Pilot School (CCCPS).
Tinanggap ni Villa ang parangal sa Dumaguete City, maliban sa certificates, medal at token ang awardees ay pupunta rin sa Brunei Darussalam ngayong buwan at sa Sydney Australia naman sa September.
Ayon kay Cotabato City V-Mayor Graham Nasser Dumama, nagpapakita lamang ito na ang mga guro sa Cotabato City ay competitive, may passion at pagkukusa para sa pagsulong ng mga mag-aaral, ang Cotabateños ay pambihirang mga indibidwal na kayang makipagpaligsahan sa nasyunal.
Hindi lamang kumatawan si Villa sa cOTABATO CITY at sa institusyon na kanyang pinaglilingkuran kundi, dinala rin nito ang syudad sa “limelight” ng competitive at innovative service para sa kahusayan ng edukasyon dagdag pa ni Vice Mayor Dumama.

Facebook Comments