Guro na High-Value Drug Target sa Solana, Cagayan, Arestado sa Buy Bust Operation!

*Solana, Cagayan- *Natimbog ang isang High-Value Drug Target na guro matapos matiklo sa isinagawang Drug Buy Bust Operation ng mga otoridad dakong alas syete kaninang umaga sa bayan ng Solana, Cagayan.

Kinilala ang suspek na si Emerlito Addun, kwarentay nuwebe anyos, isang guro sa pampublikong paaralan at residente ng Brgy. Andarayan, Solana, Cagayan.

Batay sa nakuhang kaalaman ng RMN Cauayan, nadakip si Addun sa isinagawang buy bust operation ng PNP Solana katuwang ang PDEA Region 2 at ng Regional Enforcement Unit matapos bentahan ng isang sachet ng hinihinalang shabu ang isang poseur buyer sa halagang isang libong piso.


Hawak na ng PNP Solana ang suspek at inihahanda na ang kasong Paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act laban kay Emerlito Addun.

Facebook Comments