Guro na Lasing at Nakabangga ng Kalabaw sa Naguilian Isabela, Sugatan!

Naguilian, Isabela – Nagtamo ng matinding sugat sa ulo ang isang guro matapos makabangga ng nakawalang kalabaw sa National Highway ng Brgy. Magsaysay, Naguilian, Isabela.

Sa naging pahayag ni Police Senior Inspector Garry Macadangdang, hepe ng Naguilian Police Station, aniya ang biktima na walang suot na helmet ay si Christopher John Torres, dalawampu’t siyam na taong gulang, walang asawa, isang guro at residente ng Brgy. Bliss, Sta. Maria, Isabela.

Sinabi pa ni Police Senior Inspector Macadangdang na habang pauwi si Torres na sakay ng kanyang motorsiklo ay bigla umanong tumawid ang nakawalang kalabaw sa daan na hindi naman agad napansin ng biktima.


Iginiit pa ng nasabing hepe na nagtamo umano ng matinding sugat sa ulo si Torres na kaagad namang dinala ng Dart 831 sa Provincial Hospital ng City of Ilagan para sa karampatang lunas nito.

Sa karagdagang imbestigasyon ng mg kasapi ng PNP Naguilian ay napag-alaman na nasa impluwensya ng nakakalasing na inumin ang nasabing guro.

Kaugnay nito, tinitingnan pa sa ngayon kung ano ang maaring ipapataw na parusa sa may-ari ng kalabaw samantalang nanawagan pa ang hepe na ugaliing mag-suot ng helmet upang makaiwas sa disgrasya.

Facebook Comments