Arestado ang isang 25-anyos na guro sa Pangasinan matapos magpost sa social media na magbibigay siya ng 50 milyong pabuya sa sinumang papaslang kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Kinilala ng National Bureau of Investigation (NBI) ang netizen na si Ronnel Mas, isang high school teacher sa Sta. Cruz, Zambales.
Gamit ang Twitter user name na @RonPrince_, sinabi niyang “I will give P50M reward kung sino makakapatay kay Duterte,” at nagdirty finger rin ito sa pinuno ng bansa.
Batay sa timestamp, ipinost ang kontrobersiyal na mensahe noong Martes, Mayo 5, at nilagyan din ng hashtag na NoToABSCBNShutDown.
Bagaman burado na ang nasabing Twitter post, marami raw concerned citizen ang nakapag-screenshot nito na nagsisilbing ebidensiya ngayon ng NBI.
Emosyonal namang humingi ng paumahin si Mas na aminadong labis ang pagsisisi sa nagawang pagkakamali.
Paliwanag ng titser, wala raw siyang masamang intensyon sa naturang post. Nais lamang daw niyang mapansin sa social media kaya ginawang public ang Twitter post.
Handa raw siyang pumunta sa Palasyo upang personal na mag-sorry kay Presidente Duterte.
Si Mas ay nasa kostudiya ngayon ng NBI-Manila para sa inquest proceedings.