Guro na nag-viral sa social media habang nagagalit sa mga estudyante, hindi kakastiguhin ng DepEd

Hindi na kakastiguhin ng Department of Education (DepEd) ang guro na nag-viral sa social media habang nagagalit sa mga estudyante.

Ayon kay Education Secretary Sara Duterte, nauunawaan niya ang depensa ng guro.

Sa halip aniya, paaalalahanan na lang nila ang guro na maghinay-hinay sa pagdisiplina sa mga estudyante.


Una na ring naging hati ang opinyon ng netizens sa naturang viral video.

Facebook Comments