Guro na Wanted sa Batas, Arestado!

Gamu, Isabela- Arestado ang isang guro sa isinagawang Manhunt Operation pasado ala una kahapon sa Brgy. Mabini, Gamu, Isabela.

Kinilala ang nadakip na si Rema Marquez, kwarentay singko anyos, may-asawa, isang guro at residente ng naturang lugar.

Si Marquez ay nadakip sa isinagawang pagtugis ng Gamu Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Marina Mejorada ng Metropolitan Trial Court Branch 70 Pasig City dahil sa kaso nitong Paglabag sa Batas Pambansa bilang 22 o Bouncing Checks Law.


Nasa kustodiya na ng PNP Gamu ang suspek para sa kanyang karagdagang disposisyon at pansamantalang makakalaya ito kung makakapaglagak ng kanyang piyansang dalawang libong piso.

Facebook Comments