Guro, nag-imbita umano ng 18-anyos estudyante sa bahay para makipag-threesome habang wala ang mister

5596

Sinampahan ng kasong rape ang isang guro matapos umanong makipag-threesome sa isang estudyante at dating katrabaho habang wala ang kanyang asawa sa bahay sa Oklahoma, US.


Inimbitahan umano ni Joyce Churchwell, volleyball coach sa isang paaralan sa Tulsa, ang 18-anyos na estudyante sa bahay noong Disyembre sa pamamagitan ng Snapchat, ayon sa awtoridad.

Sinabi ng Tulsa County Sheriff’s Office na umamin ang estudyante na may nangyari sa kanila kasama ang isa pang babae na dating guro sa distrito.

Sumuko si Churchwell noong Martes kasunod ng arrest warrant na inilabas ng pulisya.

Naniniwala ang awtoridad na mayroon pang ibang nabiktima ang guro matapos madiksubre sa imbestigasyon na may isa pa siyang estudyanteng kinakausap online.

Bukas naman ang paaralan sa pakikipagtulungan sa imbestigasyon ng pulisya.

Facebook Comments