Nitong Lunes ay kumalat ang video na inupload ni Police Chief Master Sergeant Melanie E. Arias ng Bugallon Municipal Police Office kung saan kasama nito sa video ang isang guro na si Mary Diane Coquia Oris, na nagpunta sa kanilang himpilan upang issurender ang perang naiwan sa atm.
Agad namang nakarating sa may ari ng pera ang naturang video kaya agad itong nakuha sa tanggapan ng pulisya.
Ang may-ari ng pera ay ang senior citizen na si Marilou Gulmatico na tuwang tuwa dahil naibalik sa kaniya ang halagang P8,100 na padala ng kaniyang anak.
Ayon kay PCMS Arias, inakala umano ni nanay Marilou na sira ang ATM kaya hindi na niya nakuha ang pera na kaniyang wini-withdraw.
Ang mga ganitong kaganapan ay isa lamang patunay na ang katapatan ay buhay pa rin sa kultura sa ilan nating mga kababayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









