Guro, Natagpuang Patay sa Kwarto

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang guro matapos umanong makitang nakabigti sa loob ng kanilang kwarto dakong 4:45 ng hapon kahapon sa Brgy. Lingaling, Tumauini, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng iFM Cauayan sa PNP Tumauini, kahapon ng papatulugin na ng guro sa kanilang kwarto ang 5-taong gulang na anak na lalaki bilang bahagi ng kanyang nakagawian.

Ilang saglit pa ang nakakalipas ay dumating ang kanilang kasambahay at dumiretso sa kwarto at tumambad sa kanya ang katawan ng guro na nakabitin ang bahagi ng damit sa pintuan ng isang built-in cabinet.


Sa pagsisiyasat ng pulisya, hindi umano maganda ang pakiramdam ng guro bago pa man ang insidente.

Nagawa pang isugod sa community hospital ang guro subalit idineklarang dead on arrival ng sumuring doktor.

Sa latest update, nabatid na positibo sa COVID-19 ang nasawing guro.

Facebook Comments