GURO, NINAKAWAN NG PERA SA SARILING TINDAHAN SA LA UNION

Ninakawan ang isang 46 anyos na babaeng guro sa sarili nitong tindahan sa Santol, La Union.

Pinasok ito ng isang lalaking nakilalang residente rin sa nasabing bayan.

Kuha sa CCTV footage ang pagtangay nito ng isang pouch na naglalaman ng nasa P20, 000.

Agad na tumakas ang suspek matapos tangayin ang pera, at pinaghahanap na ito ngayon ng pulisya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments