GURO SA BAYAN NG BINMALEY, NATAGPUANG NAKABITIN SA LOOB NG CR, PATAY

BINMALEY, PANGASINAN – Wala ng buhay nang matagpuan ang isang babaeng public school teacher matapos madatnan ng kanyang live-in partner nitong nakabitin na sa loob ng CR sa bayan ng Binmaley, Pangasinan.

Nakilala ang naturang biktimang si Joana Marie Funilas Castillo, trentay uno anyos at residente ng bayan ng Anda, Pangasinan.

Base sa impormasyong nakalap ng iFM Dagupan, nagkaroon umano ng pagtatalo sa pagitan ng dalawang magkasintahan kung saan umalis ang live-in partner nitong si Jovito Melendez Flores Jr., bente anyos,  para pumasada at upang palamigin ang kanilang alitan.


Pasado 10:30 ng gabi nang makauwi si Flores at kanyang hinanap ito sa loob ng kanilang bahay ngunit natagpuan niya na lamang itong nakabitin ang katawan nito sa loob ng CR.

Agad itong humingi ng tulong upang dalhin sa pagamutan ngunit idineklara na itong Dead of Arrival.

Sa ngayon, dinala na ang mga labi ng biktima sa bayan ng Anda para doon na paglalamayan.

Facebook Comments