Guro sa Cauayan City, Kabilang sa 9 na Positibo sa COVID-19 Ngayong Araw

Cauayan City, Isabela- Nakapagtala ng siyam (9) na panibagong positibong kaso ng COVID-19 ang Lungsod ng Cauayan.

Sa datos ng Department of Health (DOH) Region 2 as of 10:00 ngayong umaga, November 23, 2020, tatlo sa mga nagpositibo ay sina CV3468, CV3469, at CV3470 na kapamilya ng nagpositibong si CV3400. Sila ay pawang residente ng Barangay San Fermin na kasalukuyang nasa pangangalaga ng LGU Quarantine facility. Sila ay asymptomatic o hindi nagpapakita ng anumang sintomas ng COVID-19.

Pang-apat ay si CV 3474, 33 taong gulang na babae, may asawa at residente ng Barangay Turayong. Siya ay may travel history sa bayan ng San Fernando, La Union at naging direct contact ng kanyang ama na si CV3399. Siya ay nakaramdam ng sintomas gaya ng ubo at lagnat. Agad naman itong pinagstrict home quarantine matapos malamang positibo si CV3399. Siya ay kasalukuyang nasa LGU quarantine facility.


Pang lima ay si CV 3475, 36 taong gulang na lalaki, may asawa at residente ng Barangay District 2. Siya ay nahawaan ng kanyang ama na si CV3402. Siya ay asymptomatic o hindi nagpapakita ng anumang sintomas ng COVID-19. Agad naman itong pinagstrict home quarantine matapos malamang positibo si CV3399. Siya ay kasalukuyang nasa LGU quarantine facility.

Sumunod dito ay si CV 3476, lalaki, 53 years old, residente ng Barangay District 1. Siya ay isang Guro. Siya ay nakaramdam ng ubo at lagnat noong November 15, 2020. Agad naman niya itong inireport sa City Health Office, kaya’t siya ay kinuhanan ng sample at ngayong araw ay lumabas na siya ay positibo sa COVID-19. Ina-alam pa ng City Health Office ang kaniyang posibleng history of exposure. Siya ay nasa pangangalaga na ng ating LGU quarantine facility.

Pang pito ay si CV 3479, lalaki, 62 years old, at residente ng Barangay Turayong. Siya ay direct contact ni CV3389 (kaniyang anak). Siya ay asymptomatic o hindi nagpapakita ng anumang sintomas ng COVID-19. Agad naman itong pinagstrict home quarantine matapos malamang positibo si CV3389. Siya ay kasalukuyang nasa LGU quarantine facility.

Pang-walo sa naitalang positibo ngayong araw ay si CV 3480, lalaki, 25 years old, residente ng Barangay Minante 1 ngunit kasalukuyang nakatira sa Barangay San Fermin. Siya ay isang Auditor sa isang pribadong kumpanya. Siya ay may history of travel sa bayan ng Roxas, Isabela. Siya ay nakaramdam ng sintomas gaya ng pagkawala ng pang-amoy at panlasa noong November 19, 2020, kaya agad niya itong inireport sa City Health Office at siya ay kinuhanan ng sample noong November 20, 2020. Sa kasalukuyan, siya ay nasa pangangalaga na ng LGU quarantine facility.

Panghuli ay si CV 3477, residente ng Barangay Turayong, babae, 58 years old. Siya ay isang self-employed (manikurista). Siya ay nakaramdam ng ubo, lagnat at pagkawala ng gana sa pagkain noong November 13, 2020. Bilang may comorbidities, agad niya itong inireport sa ating City Health Office at siya ay kinuhanan ng sample. Ngayong araw lumabas ang kaniyang resulta na positibo siya sa COVID-19. Inaalam pa ng ating City Health Office ang kaniyang posibleng history of exposure. Sa kasalukuyan, siya ay nasa pangangalaga na ng LGU quarantine facility.

Facebook Comments