Guro, Timbog sa Pag-iingat ng Iligal na Droga

62

Cauayan City, Isabela- Nasa P68,000 ang kabuuang halaga ng hinihinalang iligal na droga na nasamsam sa pag-iingat ng isang Guro at tricyle driver matapos isilbi ng mga awtoridad ang Search Warrant kahapon sa Brgy. Flourishing, Gonzaga, Cagayan.

Nakilala ang guro na si Rhia Tolentino, 38-anyos at Ronald Tolentino, binata at kapwa residente ng nasabing lugar.


Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng Solana Police Station, nakatunog ang tsuper na paparating ang mga kasapi ng operatiba kung kaya’t nagawa nitong makaiwas at tuluyang makatakas.

Kinumpiska ng mga operatiba ang dalawampu’t anim (26) na plastic sachet ng hinihinalang shabu; isang (1) malaking plastic sachet ng suspected shabu; tatlong (3) plastic sachet ng residue at mga drug paraphernalia.

Narekober rin ang siyam (9) na piraso ng live ammunition para sa caliber 22; tatlong (3) piraso ng live ammunition para sa caliber 9mm at isang (1) piraso ng live ammunition para sa caliber 45.

Nabatid na ang naarestong Guro ay nasa kategoryang Regional High Value Target ng mga awtoridad.




Nahaharap ngayon sa kasong RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2001 ang suspek na nasa kustodiya ng pulisya.

Facebook Comments