Gurong ‘nagbanta’ kay Pangulong Duterte, pinalaya na ng NBI

Courtesy Alliance of Concerned Teachers-Philippines

Pinakawalan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang gurong si Ronnel Mas matapos makapagpiyansa ng P72,000.

Dinakip ang titser noong Mayo 12 matapos magpost sa social media na magbibigay umano ng P50 million sa sinumang papatay kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Nitong Martes ay inilabas ng Olongapo City Regional Trial Court (RTC) Branch 72 ang release order ng guro na taga-Sta. Cruz, Zambales.


Ikinagalak ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) at Free Legal Assistance Group ang pagpapalaya kay Mas. Nabatid na tinutulugan at tinututukan ng dalawang grupo ang kaso ng titser.

Sa kabila ng natamasang “initial victory,” balak pa rin nilang kuwestuyinin ang warantless arrest na ginawa ng NBI.

“Justice, however, is yet to be gained. The Duterte government shall answer for their blatant disregard of Teacher Ronnel’s rights and freedoms when the NBI coerced him into admission, presented to and humiliated him in front of the press, and illegally detained him for eight days,” dagdag ng ACT.

Nakatakda ang pre-trial at arraignment kay Mas sa Mayo 28 na kinasuhan ng incidting to sedition in relation to cybercrime.

Facebook Comments