
CAUAYAN CITY – Inaprubahan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang P10M pondo para sa pagpapatayo ng gusali para sa mga Persons with Disabilities (PWDs) sa Nueva Vizcaya.
Sa pasilidad na gagawin, magkakaroon ito ng therapy rooms, training rooms, play area para sa mga children, at administrative offices.
Kamakailan din ay nagsagawa ng ocular inspection si Ms. Venus R. Cadabona, head ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) kasama sina Provincial Administrator Jovito Celestini, Provincial Planning and Development Office (PPDO) Head Engineer Edgardo Sabado at mga kawani ng DPWH upang makita ang lokasyon ng pagtatayuan ng naturang gusali.
Samantala, ipinahayag ni Governor Attorney Jose “Jing” Gambito na ang pondo ay mula sa 2025 General Appropriations Act (GAA), na naglakayong mabigyan ng mas maayos na serbisyo ang mga Novo Vizcayano na may kapansanan.