Manila, Philippines – Naayos na ang gusot ng mga kongresista kaugnay ng P4.1-trillion national budget.
Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano – nagpulong na ang mga lider ng Kamara para hindi maantala ang pagpasa sa pambansang pondo.
Binigyan naman ng hanggang 5:00 mamayang hapon ang lahat ng ahensya at kagawaran ng gobyerno na magsumite sa Kamara ng written presentation hinggil sa kakailanganin nilang pondo sa susunod na taon.
Ire-refer din aniya ng rules committee ang 2020 general appropriations bill sa Committee on Appropriations.
Dahil dito, tiniyak ni Cayetano na ‘on time’ pa ring maipapasa ang budget sa target date bago ang break ng Kongreso sa October 5.
Facebook Comments