Gusot sa deployment ng OFWs sa Saudi Arabia, naayos na

Makakalipad na muli patungo ng Saudi Arabia ang mahigit 400 na Overseas Filipino Workers (OFWs) na na-offload kahapon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito ay matapos kumpirmahin ng Department of Labor and Employment (DOLE) na inalis na ang temporary suspension sa deployment ng Pinoy workers sa Saudi Arabia.

Kinumpirma ng DOLE na nangako na ang pamahalaan ng Saudi Arabia sa pamamagitan ng Kingdom of Saudi Arabia Embassy na hindi oobligahin ng Saudi employers ang OFWs na sagutin ang gastusin sa kanilang quarantine pagdating doon.


Partikular ang $3,500 na gastos sa sampung araw na quarantine period ng OFWs pagdating sa Saudi Arabia.

Facebook Comments