Manila, Philippines – Nabigo ang liderato ng Senado at Kamara na maresolbahan ang gusot hinggil sa panukalang 2019 national budget.
Ito ay sa kabila ng naging pulong nila kasama si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa isang text messages sa media, sinabi ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, na sa kasamaang palad ay wala silang nabuong consensus.
Sabi naman ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III, binuksan ng Pangulo ang pulong sa pagsasabing hindi niya pipirmahan ang panukalang budget kung hindi siya pipirma rito.
Aniya, sa pulong ay iminungkahi ni Senator Panfilo Lacson sa liderato ng Kamara na bawiin na lang ang mga binago nila sa proposed budget at sundin ang niratipikahan sa bicameral conference committee.
Giit ni Sotto, mukha namang sumang-ayon ang liderato ng Kamara pero aantabayan pa nila ang susunod na kilos ng mga kongresita.
Alinsunod sa saligang batas, bawal nang baguhin ang laman ng isang panukalang niratipikahan na ng Kongreso.