Monday, January 19, 2026

GUSTO ALAMIN | Sen. de Lima, nais malaman ang kondisyon ng mga displaced residents sa Mindanao

Manila, Philippines – Hinimok ni Sen. Leila de Lima ang mga kapwa Senador na alamin ang kondisyon ng displaced residents ng Mindanao na naipit sa crossfire sa pagitan ng mga awtoridad at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Gusto malaman ni de Lima kung nabibigyan ng sapat na pagkain, tirahan, edukasyon at kabuhayan ang mga apektadong residente.

Ayon kay de Lima – kailangang matukoy kung gaano tumatalima ang bansa sa international obligations nito sa pagprotekta sa ga Internally Displaced Persons (IDP).

Binanggit din ng Senadora ang datos na aabot sa higit 5,000 pamilya o katumbas ng higit 23,000 indibidwal ang apektado sa patuloy na operasyon ng militar kontra BIFF.

Facebook Comments