GUSTO PANG ARMASAN? | Guro, sinampahan ng patung-patong na kaso matapos magpaputok ng baril sa isang eskwelahan

Atlanta, Georgia – Patung-patong na kaso ang kinahaharap ngayon ng isang guro matapos na magpaputok ng baril sa loob sa isang eskwelahan sa Atlanta, Georgia sa Amerika.

Mga kasong aggravated assault, carrying weapon on school grounds, terroristic threats, reckless conduct, possession of gun at disrupting public school ang isinampa laban kay Jesse Randall Davidson ng Dalton High School.

Sa ulat, bigla na lang nagkulong sa loob ng classroom si Davidson saka nagpaputok ng baril.


Wala namang nasaktan sa insidente.

Samantala, dahil sa sunod-sunod na school shooting incident, dalawang major retailers sa US ang lalong maghihigpit sa pagbebenta ng baril.

Facebook Comments