GUSTONG MAKIPAG-USAP | Kris Aquino, inimbitahang mag-kape si Pulong Duterte

Manila, Philippines – Pinatulan ni Kris Aquino ang Facebook post ni Presidential Son Paolo Duterte kung saan ibinahagi niya ang isang larawan na may nakasulat na “ang EDSA commemoration ay larawan ng pangakong hindi natupad…”

May caption pa ito na: “sorry Krissy ha, ‘wag magdrama, laro na lang ng PS4”.

Sinagot naman ito ni Kris sa pamamagitan ng Instagram post kung saan sinabi niya na hindi siya marunong maglaro ng PS4.


Kasabay nito, inimbitahan niya si Pulong na mag-kape o mag-San Mig at kung magkaharap, huwag daw mag-alala dahil hindi siya magda-drama.

Mabuti na rin aniya na makilala nila ang isa’t isa dahil sa pagkakatanda niya ay si Kitty at si Pangulong Duterte lang ang naipakilala sa kanya walong taon na ang nakararaan nang nangangampanya siya noon para kay dating Pangulong Aquino.

Umaasa naman si Kris na hindi siya iisnabin ni Pulong pero kung tatanggihan ay irerespeto niya ito.

Facebook Comments