Gutoc: Chel Diokno, posibleng maging opposition standard bearer sa 2022

Image via Chel Diokno Official on Facebook

Hindi man pinalad na makapasok sa Magic 12, naniniwala si Samira Gutoc na posibleng maging opposition standard bearer si Chel Diokno sa darating na Halalan 2022.

Ayon sa kaniyang interview sa ANC, inilarawan niya si Diokno bilang politician na nasa kaniya na ang lahat ng katangian tulad ng “very honorable” at prinsipyado.

“He can mobilize as many forces, democracy forces in the community, grass roots,” dagdag niya.


Umani si Diokno ng 6 na milyong boto at nasa ika-21 na puwesto sa senatorial race.

Nabigo ring na makapasok ang Otso Diretso sa Magic 12.

Ang pinakamalapit dito na si Reelectionist Bam Aquino ay lumapag sa ika-14 na puwesto na may 14 na milyong boto.

Inamin din ni Gutoc na mananalo sila kung sila ay nakapaghanda, “if we could have more time.”

Facebook Comments