Gutom at Kahirapan, bunga ng COVID-19 – Nograles

Naniniwala si Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang COVID-19 pandemic ang dahilan kung bakit nararanasan ng mga Pilipino ang gutom at kahirapan.

Ito ang pahayag ng opisyal matapos siyang tanungin kung ang katamaran ay isa sa mga dahilan ng kahirapan at gutom sa Pilipinas.

Ayon kay Nograles, hindi siya naniniwalang tamad ang mga Pilipino.


Hindi lamang aniya nabibigyan ng tamang oportunidad para mapabuti ang kanilang mga buhay lalo na ngayong pandemya.

Iginiit ni Nograles na masipag at madiskarte ang mga Pilipino.

Ang COVID-19 aniya ang nagpuwersa sa mga negosyo na magsara.

Sa ilalim ng ikatlong bahagi ng National Action Plan (NAP) laban sa COVID-19, mas maraming Pilipino ang makababalik na ng trabaho kasabay ng pagbubukas ng ekonomiya.

Aminado si Nograles na ang pagbuhay sa eknomiya ay hindi kayang gawin lamang ng pamahalaan pero kailangan din ng tulong mula sa bawat Pilipino.

Facebook Comments