Cauayan City, Isabela- Arestado ang apat na katao na kinabibilangan ng isang sekyu dahil sa paglabag ng mga ito sa liquor ban kaugnay sa ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon.
Unang nadakip ang tatlong suspek sa Brgy. San Antonio, Jones, Isabela na sina Dan Jun Antonio, 32 anyos, walang asawa, helper, Jestoni Borata, 30 anyos, may-asawa, sales assistant at Raymund Antonio, 30 anyos, walang asawa, pawang mga residente ng Brgy. San Antonio ng nasabing bayan.
Nahuli ang mga ito matapos maaktuhan ng mga rumespondeng pulis na nag-iinuman ang mga ito sa bahay ng nagngangalang Nita Arellano.
Samantala, natimbog naman sa Brgy. Quezon, San Isidro, Isabela ang isang security guard na kinilalang si Elvis Agacer, 27 anyos, binata na residente rin ng Brgy. Quezon.
Bago pa mahuli si Agacer ay nagwala muna ito at sinigawan ang mga barangay officials na nag-iimplimenta ng Enhanced Commuity Quarantine.
Ang mga suspek ay dinala sa bawat himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.