Guwardiya sa Bilibid, sinaksak ng preso

71

Kinumpirma ni Justice Undersecretary Markk Perete na may isang jail guard sa NBP ang sinaksak ng isang bilanggo kaninang umaga.

Kinilala ni Perete ang biktima na si duty officer Edgardo Ferrer na sinaksak kaninang 8:40 am ng isang inmate o person deprived of liberty o PDL na maysakit schizophrenia o mental disorder.


Si Ferrer ay nilalapatan na ng lunas matapos magtamo ng tama ng saksak sa tiyan malapit sa puso at sinasabing agaw-buhay ito ngayon sa NBP Hospital.

Nilinaw naman ni Perete na hindi nila sinuspinde ang dalaw sa mga bilanggo.

Samantala, ang bilanggong sumaksak sa tauhan ng Bilibid ay ibabalik sa psychiatric ward ng NBP Hospital.

Facebook Comments

From Advertisers