Gwardiya sa isang establisemento, natagpuang patay ng kanyang kasamahan

Sa Cagayan De Oro , Patay nang nakita sa loob ng Isuzo Truck ang 42 anyos na Gwardiya sa Japnar Truck Corporation banda alas syete kaninang umaga.

Biktima nakilalang si Danny Llarinas, hiwalay sa asawa at residente ng Barangay Gusa dito sa Cagayan De Oro.

Ayun sa kasama nitong si Rodel Odarbe, nang dumating siya sa area ay hindi nito nakita si Llarinas kaya’t kanya iyong hinanap.


Laking gulat na lang ni Odarbe nang makita niya ang dugoang katawan ni Llarinas sa loob ng sasakyan.

Samantala, ayon kay Police Major Julius Clark Prisco Macariloa, ang Hepe ng Police Station 3, agora na  nakuha nila sa area ang basyo ng bala ng 9mm rifle.

Sa ngayon, patuloy pa ang ginagawang imbistigasyon ng kapolisan upang matukoy ang dahilan ng pagkamatay ng biktima.

Facebook Comments