Cebu City – Patay ang isang security guard matapos barilin ng kasamang sekyu sa General Maxilom, Cebu City.
Kinilala ang biktima na si Rommy Biasa, 18-anyos habang boluntaryo namang sumuko ang suspek na si Roy Escobañez, 26.
Ayon kay SPO3 Rommel Bancog ng Pari-an PNP, napag-alaman na matagal nang may alitan ang dalawa dahil sa kanilang schedule.
Lagi umanong nagrereklamo ang biktima dahil palaging natutulog sa trabaho si Escobañez.
Giit ng suspek, napuno na ito sa mga paghahamon ng biktima.
Handa umano magpakulong Si Escobanes at handa ring sumailalim sa drug test para patunayang hindi siya gumagamit ng iligal na droga.
Facebook Comments