GWARDYADO | Spanish national na kasabwat ng Abu Sayyaf, humarap sa pagdinig sa DOJ

Manila, Philippines – Sumailalim sa inquest proceedings sa Department of Justice (DOJ ) ang bente anyos na Spanish national na sinasabing kasabwat ng Abu Sayyaf Group.

Nakaposas at gwardyado ng mga sundalo si Abdelhakim Labidi Adib nang dumating ito sa DOJ mula pa sa Basilan.

Naaresto si Labidi Adib sa checkpoint sa Basilan noong Lunes, January 22.


Nabawi ng militar mula sa kanya ang isang hand grenade, riffle grenade, blasting caps, at cellphone na sinasabing triggering device sa bomba.

Sinasabing dumating sa bansa ang dayuhan noong October 2015.

Si Labidi Adib ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9516 o Illegal possession of explosives.

Facebook Comments