Quezon City, Philippines – Sasampahan ng kasong Illegal Possession of Firearms, Physical Injury, Alarm and Scandal at Grave Threat ang guardyang naburyong at nanutok ng baril sa mga pulis sa loob ng Cyberpod One building sa Centris Quezon City.
Nakilala ang gwardya na si Herminihildo Marsula Jr, residente ng San Jose Bulacan at nagtatrabaho sa Grandiose Security Agency.
Ayon kay QCPD District Director Chief Supt. Guillermo Eleazar, naburyong umano si Marsula Jr. dahil sa problema ng kanyang maysakit na anak.
Inabot ng limang oras ang tensyon at tumagal din ang negosasyon, mabuti nalamang ay kusang loob na sumuko ang gwardya sa mga otoridad matapos magkulong sa loob ng Recruitment Office ng BPO.
Paliwanag Eleazar, kusang loob umanong sumuko sa mga kapulisan, ang gwardya kung saan ang kanyang baril ay iniwan doon, pero namo-monitor naman na ng pulisya ang movement dahil mayroong access sa CCTV at nakikita ng mga pulis ang nangyayari sa loob.
Sabi ni Eleazar, off-duty ang gwardya at may problemang personal dahil may sakit umano ang anak nito nang gumawa ito ng eskandalo.
Gayunman wala namang naitala na injured persons at damage to property sa nangyari.