Nilinaw ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na nakadepende sa Local Government Unit (LGU) ang pagbibigay pahintulot sa pagbubukas ng gym at spa sa kanilang mga nasasakupan.
Ayon kay Roque, sa lungsod lamang ng Quezon may umiiral na ordinansa na nagsususpinde sa operasyon ng gyms, fitness centers at spa sa loob ng dalawang linggo.
Pero sa ibang mga lungsod sa Metro Manila ay pinahihintulutan ang operasyon ng gym at spa pero limitado lamang ang kapasidad.
Ani Roque, ang mga gym at fitness centers ay pwedeng mag-operate ng hanggang 75% capacity habang ang mga spa ay maaaring hanggang 50% capacity.
Kinakailangan lamang aniyang mahigpit na naipatutupad ang minimum health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask, face shield at social distancing.