Nilinaw ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na nagkasundo ang Metro Manila Mayors na isara ang gyms, fitness centers, spas at internet cafes sa National Capital Region (NCR) mula March 22 hanggang April 4.
Ang paglilinaw ay ginawa ni Roque makaraan niyang sabihin kahapon na maaari pa ring mag-operate ang mga gym at fitness centers nang hanggang 75% capacity habang 50% capacity ang mga spa puwera na lang sa Quezon City na may ordinansa na nag-uutos na tigil operasyon muna ang mga nabanggit na negosyo.
Ayon kay Roque, ito ang nagkakaisang desisyon ngayon ng mga alkalde sa Metro Manila.
Kasunod nito, muling ipinanawagan ng Palasyo sa publiko na manatili muna sa loob ng tahanan upang mapababa ang kaso ng COVID-19.
Facebook Comments