Gymnast na si Kaitlin De Guzman, most bemedalled Filipino athlete na sa nagaganap na 2017 Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia

309

SEA Games – May tatlong medalya na ang disi-syete anyos na si Kaitlin Mendoza sa SEA Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Kanina ay nakakuha ng medalyang pilak si De Guzman sa floor exercise ng Women’s Artistic Gymnastics Competition.

Umiskor si De Guzman ng 13.025 points para pumangalawa kay Ann Farah ng Malaysia na may 13.450. Si I. Rifda ng Indonesia ang pumangatlo sa kaniyang 13.000 points.
Una nang nanalo ng gold medal si De Guzman sa uneven bars kahapon habang kanina lamang ay nakakuha ito ng medalyang tanso sa balance beam.


Facebook Comments