Gymnastics na si Carlos Yulo, dedepensahan ang kaniyang world title sa Japan

77

Nakahanda na si 2020 Tokyo Olympian Carlos Yulo na depensahan ang kaniyang titulo sa darating na 50th FIG Artistic Gymnastics World Championships sa Japan.

Nagawang maghari ni Yulo sa kumpetisyon noong 2019 World Championships sa Germany dahil sa kaniyang floor exercise.

Isasagawa ang qualification round, all-around at apparatus finals ng World Championships mula Oktubre 18 hanggang 24.


Una nang naiuwi ni Yulo noong Setyembre ang isang gold at bronze medal sa 2021 All Japan Senior and Masters Gymnastics Championships sa Yamagata, Japan.

Facebook Comments