Gyms, internet cafes at review centers, target buksan sa August 31, ayon sa DTI

Ipinagpaliban ng pamahalaan ang pagbubukas ng ilang sektor sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) na unang pinayagang mag-operate bago inilagay ang Metro Manila at kalapit na probinsya sa mahigpit na quarantine classification hanggang sa katapusan ng Agosto.

Nabatid na inanunsyo ng Malacañang na bawal munang magbukas ang mga gyms at internet cafes sa GCQ areas kasunod ng panawagan ng medical community na huwag munang payagang mag-operate ang non-essential industries.

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, ang pagbubukas ng last-batch sectors tulad ng gyms, review centers, internet cafes ay ipinagpaliban hanggang August 31, kasunod ng prinsipyong gradual reopening mula Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) patungong GCQ.


Nabatid na inirekomenda ng DTI ang pagbubukas ng ilang sektor sa 30% capacity:

–              Testing/tutorial centers, review centers

–              Gyms, Fitness Centers, Sports Facilities

–              Internet Cafes

–              Personal Grooming at Aesthetic Services

–              Pet grooming

Paglilinaw ni Lopez na ang pagpapaliban sa pagbubukas ng ilang sektor hanggang August 31 ay sakop lamang ang GCQ areas na nanggaling sa MECQ noong August 18, kabilang ang Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan.

Ang mga dine-in restaurants, salons at barbershops ay maaari nang magpatuloy sa ilalim ng GCQ.

Facebook Comments