H5N6, mahirap maipasa sa tao ngunit mataas ang mortality rate ayon sa DOH

Manila, Philippines – Bagamat mababa ang tsansa na makahawa sa tao ang influenza H5N6 na naitala sa Pampanga, ayon sa Department of Health, sa oras na maisalin ito sa tao ay mataas ang tsansa na mauwi ito sa kamatayan.

Ayon kay Dr. Socorro Lupisan, Director ng DOH Research Institute for Tropical Medicine, sa oras na makakuha nito ang isang pasyente, nasa 30 – 50 porsyento ang tyansa nito na makarekober.

Depende kasi aniya sa lakas ng immune system ng isang pasyente ang tyansa nito na makapag-survive, at prone sa kumplikasyon ang mga mayroong asthma, diabetes at mga taong mahina ng immune system.


Kaya naman paaalala pa rin ng DOH sa publiko, lumayo sa mga poultry farms na nakapagtala ng kaso ng infected na manok, panatilihing malakas ang pangangatawan, maghugas palagi ng kamay at magpatingin agad sa doktor sakaling makaranas ng flu para sa mga residenteng malapit sa mga apektadong lugar.

Facebook Comments