H5N6 virus, pwedeng mahawa sa mga tao ayon sa Department of Agriculture; Pero publiko, walang dapat ikabahala

Manila, Philippines – Aminado ang Department of Agriculture na puwedeng mahawa sa tao ang H5N6 strain.

Ito ay matapos na lumabas na ang resulta ng pagsusuri sa test sample sa Australia.

Sa isang presscon, sinabi ni Agriculture Secretary Manny Piñol na bagamat lumabas na positibo sa N6 ang test samples na nakuha sa San Luis, wala namang dapat ikabahala ang publiko dahil mababa ang mortality rate nito sa tao.


Patunay aniya nito ay ang mga poultry workers na nagsagawa ng culling sa San Isidro ay hindi naman nagpakita ng pagkakasakit.

Sa ngayon ay halos kumpleto na ang ginawang pagpatay at paglilibing sa mga poultry animal sa Pampanga at Nueva Ecija at isinasagawa na ang disinfection.

Hindi naman aniya nagpapabaya ang DOH sa pag-quarantine sa 1 km radius ng mga lugar na apektado ng bird flu.

Facebook Comments