HABAGAT | 9 na pamilya, inilikas sa Barangay Bagong Silangan

Quezon City – Aabot na sa siyam na pamilya na kinabibilangan ng 46 na indibidwal ang naililikas ng barangay Bagong silangan rescue mula sa walong identified na danger zone ng barangay dito sa Northeastern part ng Quezon city.

Ang paglilikas ay kasunod ng sunod sinod na pagbuhos ng ulan mula pa kaninang umaga.

Kinakailangan pang magbabahay-bahay ng recue team sa walong mga lugar na katabi lamang ng tumana river.


Mula pa kaninang umaga ay nagsimula nang tumaas ang tubig ng tumana river na labis na pinangangambahan ng barangay laluna ng mga residente.

Magugunita na halos 200-mga residente ang nasawi sa Barangay Bagong Silangan ang nasawi nang manalasa ang malupit na bagyong si Ondoy noong 2009.

Gumuho ang isang bahagi ng creek na kadugtong ng tumana river.
Naagos ng malalim na tubig ang parte ng isang bahay pero mabuti na lamang at walang nasaktang tao sa pagguho ng bahagi ng isang creek sa Bagong Silangan QC.

Facebook Comments