Manila, Philippines – Malaki ang idinulot ng bird flu at ng habagat sa paghina ng agriculture performance ng bansa sa ikatlong hati ng taon.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, ang paghina ng kontribusyon ng Agriculture sa ekonomiya ay bunga ng paghina ng Fisheries sector sa nakalipas na 9 na buwan.
Humina ang fisheries performance dahil na rin sa panahon ng habagat.
Sa panahon na ito ay hindi nakakapaglayag ang mga mangingisda dahilan para kumonti ang huling isda na ibinebenta sa merkado.
Tinukoy din ni Sec. Piñol ang epekto sa bansa ng pagtama ng bird flu sa Pampanga at Nueva Ecija kung saan nalimitahan ang bentahan ng poultry products.
Gayunman, maituturing pa rin na maganda ang livestock performance ng bansa.
Sapat naman din ang suplay ng manok at baboy sa bansa.
Kaugnay nito, magsasagawa naman ng review ang DA sa paghawak ng avian influenza case sa hinaharap.