Habagat magpapa-ulan sa MIMAROPA, Western Visayas at Zamboanga Peninsula

Makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang MIMAROPA, Western Visayas at Zamboanga Peninsula bunsod ng southwest monsoon o hanging habagat.

Ayon sa PAGASA, posibleng magkaroon ng pagbaha at landslide sa mga nasabing lugar sa tuwing malakas ang ulan.

Samantala, makararanas naman ang Metro Manila ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers dahil sa localized thunderstorms.


Sumikat ang araw kaninang alas-5:35 at lulubong mamayang 6:29 ng gabi.

Facebook Comments