HABAGAT | Mahigit 2,000 na pamilya sa Regions III at MIMAROPA, apektado ng pinaigting na Habagat

Nasa 2,300 na pamilya o katumbas ng 7,476 na indibidwal sa 13 barangays sa Regions III at MIMAROPA ang apektado na ng tuloy tuloy na pag uulan dahil sa pinaigting na Habagat.

Dahil dito, inalerto na ni DSWD Acting Secretary Virginia “Gee” Orogo ang mga Field offices nito para bigyan ng ayuda ang mga pamilya na maaga pa lamang ay inilikas na.

Nag preposition na rin ng mga food at non-food items sa mga sa National Capital Region, Region III, at MIMAROPA.


May augmentation support din sa mga LGUs para sa mabilis na paghahatid serbisyo sa mga apektadong lugar.

Facebook Comments