HABAGAT | Mahigit 500,000 pamilya, nanatili pa rin sa mga evacuation centers – DSWD

Aabot sa 532,066 na pamilya o katumbas ng 2,231,101 katao ang nanatili sa mga evacuation centers sa 1,835 barangays sa Regions I, III, VI, CAR, NCR, CALABARZON at MIMAROPA dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan dala ng hanging habagat.

Nakapagpalabas na ang ahensya ng ₱105,999,704.09 na financial para sa mga apektadog pamilya.

Nag-ikot na rin si DSWD Secretary Virginia Orogo sa mga evacuation centers sa Metro Manila.


Nakapag-distribute na rin ang DSWD ng 3,100 family food packs at 673 sleeping mats sa mga evacuees sa Marikina City.

Ngayong umaga, may dagdag na 1,000 family food packs ang ide-deliver ng ahensya sa lugar.=

Facebook Comments