Lumihis ang direksyon ng Typhoon Fabian.
Huling namataan ang bagyo sa layong 575 kilometers Hilagang Silangan ng Itbayat, Batanes.
Taglay na nito ang lakas ng hanging nasa 150 kilometers per hour at pagbugsong nasa 185 km/hr.
Kumikilos na ito patimog-kanluran sa bilis na 15 km/hr.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa Batanes at Babuyan Islands.
Bagamat wala pa rin itong direktang epekto sa bansa, palalakasin pa rin nito ang Southwest Monsoon o Hanging Habagat na magdadala ng mga pag-ulan sa Ilocos Region, Abra, Benguet, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Romblon, at hilagang bahagi ng Palawan kasama ang Calamian at Kalayaan Islands.
Ayon sa PAGASA, kikilos pakanluran – timog kanluran ang bagyo ngayong araw at bigla itong liliko pahilagang kanluran.
Inaasahang magla-landfall ang bagyo sa Miyako, Yaeyama, at Senkaku Islands sa Ryukyu Archipelago.
Pagkatawid ng East China Sea, si Fabian ay susunod itong mag-landfall sa silangang bahagi ng mainland China sa Linggo.
Inaasahang lalabas ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Sabado ng umaga.