Magpapaulan pa rin sa malaking bahagi ng Luzon ang Southwest Monsoon o Hanging Habagat dahil sa pinapalakas pa rin ito ng Typhoon Fabian.
Huling namataan ang bagyo sa layong 515 kilometers hilagang silangan ng Itbayat, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 150 kilometers per hour, at pagbugsong nasa 185 km/hr.
Mabagal itong kumikilos pahilagang kanluran.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa Batanes at Babuyan Islands.
Ayon sa PAGASA, magdadala ng pag-ulan ang Habagat sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Metro Manila, halos buong CALABARZON at Central Luzon at iba pang bahagi ng MIMAROPA.
Inaasahang magla-landfall ang bagyo sa Miyako, Yaeyama at Sensaku Islands mamayang gabi.
Lalabas ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) mamayang gabi o bukas ng umaga.