HABAGAT | NDRRMC, nagtaas ng orange heavy rainfall warning sa ilang lugar sa Luzon

Nagtaas ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kaninang alas-dos ng madaling araw ng orange heavy rainfall warning sa ilang lugar sa Luzon.

Ibig sabihin, makakaranas ng matinding pag-ulan ang Metro Manila, Bataan, Batangas at Cavite.

Dulot ito ng nararanasang hanging habagat o southwest monsoon.


Pero asahang hihina ang hanging habagat pagdating ng weekend.

Ngayong araw, may mahihinang ulan pa rin sa Ilocos region, Central Luzon, Calabarzon at MIMAROPA.

Mayroon pa ring mahihinang ulan sa bicol region at cagayan valley.

Maaliwalas ang panahon sa Visayas maliban sa Panay Island.

Sa Mindanao, mayroong mga localized thunderstorms sa Northern Mindanao at Caraga.

Facebook Comments