Kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na dalawang tao ang nasawi habang isa ang sugatan dahil sa epekto ng hanging habagat na pinakalas ng mga bagyong ‘Henry’, ‘Inday’ at ‘Josie’.
Ayon kay NDRRMC Executive Director, Undersecretary Ricardo Jalad, kinilala ang mga nasawi na sina Luisa Pelew, 54-anyos na taga Bontoc, Mt. Province at Angelito Jipulan, 43-anyos ng nagsaha, Guihulngan City, Negros Oriental.
Isa naman ang naitalang nawawala at kinilalang si Brix Boticario, 17-anyos ng Cainta, Rizal.
Sa datos ng NDRRMC, aabot na sa halos 260 million pesos ang halaga ng pinsala sa imprastraktura at agrikulutra sa Regions 1, 2, 3, Calabarzon, MIMAROPA, 6, At Cordillera.
Nasa higit 11 milyong piso na halaga ng tulong ang ipinamahagi ng DSWD, DOH at Local Government Units (LGUs) sa mga apektadong pamilya sa Regions 1,3, Calabarzon, 6, NCR at CAR.
Aabot sa halos 159,000 pamilya o higit 700,000 indibidwal ang apektado sa 585 barangay sa Regions 1,3, Calabarzon, Mimaropa, 6, Cordillera at NCR.