Manila, Philippines – Bagaman humupa na ang baha sa ilang lugar nananatiling nasa red alert status ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at patuloy na magbabantay sa epekto ng pag-ulang dala ng habagat.
Ayon kay NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad, sa ilalim nito ang lahat ng ahensiya ng gobyerno ay nakaantabay 24/7 para bantayan ang epekto ng masamang panahon.
Aktibo na rin aniya ang “response cluster” na pangungunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Facebook Comments