Baguio, Philippines – Sinalanta ng habagat ang iba’t ibang parte ng Cordillera Administrative Region ngayong Biyernes, ika-20 ng Hulyo ayon sa ulat ng Regional Disaster Risk Reduction and Management (RDRRMC).
Isang patay, isang sugatan, at labimpitong pamilya ang apektado. Apat na bahay naman ang apektado ng kalamidad.
Samantala, labingtatlong pagguho at isang pagbaha ang naitala ng RDRRMC. Kasabay nito ay ang pag suspende ng dalawang local government units at limang paaralan sa Benguet.Pansamantalang ipinatigil ang operasyon ng mga maliliit na minahan sa Tublay at Itogon, Benguet.
Suspendido pa rin ang pamumundok sa Mt. Pulag, Mt. Purgatory, at Mt. Ulap. Hanggang ngayon ay nakasara pa rin ang tatlong national roads.
iDOL, lagi tayong mag-ingat.
| | Virus-free. www.avast.com |